1 MILYONG PIRASONG BANGUS FRY, IPINAMAHAGI SA MGA NASALANTANG MANGINGISDA SA PANGASINAN AT LA UNION

Tumanggap ng tig-500, 000 piraso ng bangus fry ang mga nasalantang mangingisda sa Pangasinan at La Union bilang donasyon at panimula matapos ang magkakasunod na kalamidad.
Sa pamamagitan nito, inaasahang makakarekober at unti-unting maibabalik ang sigla sa industriya ng pagbabangus.
Base sa pinakahuling datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1, nasa 50.1 porsyento ng 4,529 metriko tonelada ng naluging produkto ay bangus, na sinusundan ng hipon na nasa 43.6 porsyento at tilapia na 1.9 percent.
Umakyat pa sa P551 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng pangisdaan sa rehiyon dahil sa mga bagyo.
Isa lamang ang donasyong tinanggap sa mga hakbang upang tuluyang makabangon ang pangisdaan sa Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments