1 NASAWI, 3 NASAGIP SA PAGKALUNOD SA LINGAYEN BEACH NOONG BAGONG TAON

Isang mag-aaral ang binawian ng buhay habang tatlo pa ang naisalba ng mga awtoridad sa isang insidente ng muntikang pagkalunod sa Lingayen Beach, Pangasinan, noong bisperas ng bagong taon.

Ang mga biktima na mga mag-aaral at kasambahay ay edad 13 anyos, 16 anyos , 18 anyos at 19 anyos at pawang bumisita lamang sa Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas singko bente ng hapon nang maligo sa dagat ang apat habang binabantayan ng kanilang kasama nang mawala umano ang mga ito dulot ng malakas na alon.

Agad na-isangguni sa Lingayen LDRRMO ang insidente at naisalba ang tatlo sa mga biktima.

Nailigtas ang dalawa sa mga ito ngunit binawian ng buhay ang 19 anyos na kasambahay habang ang isa nilang kasamahan ay pinaghahanap pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments