1 Nawawala, 7 Ligtas nang Tumaob ang Sinasakyang Bangka sa Cagayan

Patuloy na pinaghahanap ng rescue team ang isang indibidwal matapos tumaob ang sinasakyang bangka kasama ang mga kaanak nito sa Ilog Cagayan sa bayan ng Aparri, kagabi Nobyembre 11.

Sa report ng PNP, kinilala ang nawawalang biktima na si Erold Calcidona Leste, 38-anyos na residente ng Barangay Parrudun Sur sa nasabing bayan.

Sa isang interview kay Police Lieutenant Robin Guanga, ng PNP Maritime, patungo sa lamay ang mga ito sa Brgy. Centro 12 mula sa Brgy. Paruddun Sur ng mangyario ang insidente.

Maswerte naman nailigtas ang pitong kaanak ng nawawala na sina Ray Viernes Taguba, 23-anyos, Ljay Persona Ocampo, 17-anyos, Ebo Persona 27-anyos pawang residente ng Brgy. Sanja at Jungie Nortes Paggabao, 34-anyos, Cassidy Barosa Leste, 10-anyos, Fernando Mabbun Leste, 36-anyos, Reynante Villanueva, 27-anyos pawang residente naman ng Brgy. Paruddun Sur nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Brgy. Macanaya.

Ayon sa mga awtoridad, gabi na ng umalis ang mga biktima kaya’t posible umanong hindi nila napansin na malakas ang hampas ng alon dahil madilim na ang lugar.

Facebook Comments