1 NPA, Patay sa Engkwentro sa Kalinga

43

Cauayan City, Isabela- Patay sa nangyaring engkwentro ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bagtayan, Pasil, Kalinga.

Pasado alas 9:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 13, 2021 nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng 50th Infantry Battalion ng 5ID, Philippine Army at NPA na nagresulta sa pagkamatay ng isang rebelde na kabilang sa Platun Guevarra, Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Baggas.

Tumagal ng nasa 35 minuto ang sagupaan ng magkabilang panig.


Ayon kay Major Jeckyll Dulawan, Division Public Affairs Office (DPAO) Chief ng 5ID, bukod aniya sa narekober na bangkay ng isang rebelde, nakuha rin ng tropa sa pinangyarihan ng labanan ang isang (1) M16 rifle, dalawang (2) magazine na may kasamang mga bala, isang (1) bandolier, isang (1) transistor radio at mga gamit ng NPA.

Kasalukuyan naman ang ginagawang hot pursuit operation ng militar laban sa mga nakasagupang teroristang grupo.

Samantala, nakipag-ugnayan ang pamunuan ng 50th IB sa PNP-SOCO ng Kalinga PPO para magsagawa ng imbestigasyon sa pinangyarihan ng insidente.



Facebook Comments