1 pang pulis na isinasangkot sa Barayuga murder case, patuloy na pinaghahanap ng PNP

Tuloy ang manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) sa isa pang pulis na isinasangkot sa Barayuga murder case.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Colonel Jean Fajardo, pinuntahan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ni Sgt. Jeremy Causapin ngunit misis niya na lamang ang humarap at ini-abot ang letter of resignation at i-sinurrender na rin ang kanyang issued firearm.

Sinabi ni Fajardo na malaki ang kinalaman ni Causapin sa kaso batay sa mga isiniwalat na impormasyon sa pagdinig ng House Quad Committee.


Siya ‘di umano ang nagbigay ng P300,000 sa police informant na si Nelson Mariano na isinasangkot din sa Barayuga murder.

Nilinaw ni Fajardo na sa kabila ng resignation, hindi pa rin ito ligtas sa kanilang imbestigasyon.

Umapela rin ang opisyal kay Causapin na mas mabuting mapasailalim siya sa kanilang kustodiya at tiniyak na poproteksyunan siya ng pambansang pulisya.

Facebook Comments