1 patay 1 missing sa LDS dahil kay Vinta

Patuloy na nakamonitor ang Armm Government katuwang ang mga otoridad kasabay ng masamang panahong nararanasan.
Ipinag utos na rin ni Armm Governor Mujiv Hataman sa lahat ng LGU na maging mapagmatyag.
Inaalam na rin ang pinsalang idinulot ng bagyong Vinta sa ilang bayan sa rehiyon sa pamamagitan ng Armm Heart.
Sinasabing kabilang sa naperwisyo ay ang bayan ng Balindong sa Lanao Del Sur. Maliban sa mga lumikas nakapagtala na ng isang casualty si Vinta sa Balindong habang patuloy na pinaghahanap ang isang 12 anyos ng bata.

Facebook Comments