1 PATAY, 1 PUTOL ANG 2 PAA SA SALPUKAN NG PICK UP AT VAN!

739

Hindi na umabot ng buhay ang tsuper ng pick up habang naputulan ng dalawang paa ang driver ng van sa salpukan ng kanilang minamanehong sasakyan sa Barangay Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5iFM Cauayan mulas sa Solano Municipal Police Station, nakilala ang namatay na si William Tolentino, 59 anyos, may asawa at residente ng Barangay Centro Sur,Gattaran,Cagayan habang ang naputulan ng dalawang paa ay si Wincy Longgat,26 anyos at residente ng Barangay Buenavista,Angadanan,Isabela.


Sugatan din sa aksidente ang mag asawang pasahero ni Tolentino na sina Franklin at Avelina Taguba maging si Fredison Ancheta na pasahero naman ni Longgat. Dakong 2:20 kaninang madaling araw, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang pambansang lansangan sakop ng nasabing lugar sa magkasalungat na direksiyon. Pagsapit sa pinangyarihan ng aksidente ay umagaw umano ng linya ang sasakyan ni Tolentino dahilan ng pagsalpok sa kasalubong na sasakyan ni Longgat.

Sa lakas ng impak naipit ang tsuper na si Longgat at si Tolentino ay agad na namatay. Dahil sa pagkakayupi ng dalawang sasakyan, nahirapan ang mga rumespondeng rescuer bago naisugod sa pagamutanmga nasugatan.

Sa lakas ng salpukan ng dalawang sasakyan ay nagmistulang yuping lata ang mga ito. Ginagamot na ngayon ang mga biktima sa isang pagamutan sa naturang bayan.

Attachments area

Facebook Comments

From Advertisers