1 Patay; 11 Sugatan matapos bumangga ang kuliglig sa gilid ng Daan

10140

*Cauayan City, Isabela*- Dead on arrival ang isang lalaki matapos mawalan ng kontrol ang minamaneho ng tsuper ng kuliglig na ikinasugat ng 11 na iba pa bandang 1:15 kanina sa Brgy. Poblacion 1, Santa Maria, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jayson Gumaru, nasa tamang edad habang nakilala din ang mga sugatan nitong kasamahan na sina Freddie Baccay, 25 anyos, Alfredo Buraga, John John Buraga, Jestoni Buraga, Jenny Baccay, 11 anyos, Gemma Baccay, 9 anyos, John Mark Baccay, Orlando Buraga at Alfie Buraga na kapwa mga residente ng Brgy. Aggub habang si Jay Callueng na residente ng Brgy. San Juan habang kinilala din ang tsuper ng kuliglig na si Ferial Baccay Jr., 38 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Aggub at kapwa naninirahan sa Cabagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Santa Maria, binabagtas ng nasabing mga biktima ang pambansang lansangan lulan ng isang kuliglig patungo sa Lungsod ng Tuguegarao ng mawalan ng kontrol ang tsuper na minamaneho ni Ferial na sanhi ng pagkasugat ng ilang pasahero at ikinamatay ng isa pa.

Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima ng insidente para sa kaukulang lunas.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang tsuper ng kuliglig para sa kaukulang dokumentasyon.

PhotoCourtesy: PNP Sta. Maria





Facebook Comments

From Advertisers