1 patay, 2 sugatan, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Makati City

Dead on the spot ang isang lalaki habang dalawa naman ang sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa bahagi ng Taylor St. sa kanto ng McKinley St., Makati City pasado ala-una ng madaling araw, July 10.

Ayon kay Dennis Pancipane, kagawad ng Brgy. Pio Del Pilar, tumawag sa kanila ang isa sa mga kagawad na nakarinig ng ilang putok ng baril sa lugar ng insidente.

Kaya rumesponde sila sa lugar at nakita na lamang nila ang nasawing biktima na nakabulagta sa bangketa habang nakapunta pa sa barangay ang dalawang sugatan.

Napag-alaman naman na ang namatay na biktima ay residente sa lugar habang ang dalawa naman ay nagmula sa Cavite.

Dagdag pa ng barangay, dati nang nairereklamo ang suspek sa kanila at noong Abril ngayong taon ay nasaksak din ito.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital ang dalawang sugatan habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments