1 Patay, 2 Sugatan na Pulis sa Engkwentro ng NPA sa Isabela!

20905

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang pulis habang sugatan ang dalawa pang pulis sa nangyaring engkwentero sa pagitan hindi pa mabatid na bilang ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Nakilala ang namatay na si Patrolman Henry Gayaman habang ang dalawang sugatan ay sina P/Cpl Edieboy Tumaliuan at Patrolman Alfred Taliano na kapwa miyembro ng Platoon 2O5th Maneuver Company.


Dakong 5:28 kaninang umaga habang nagpapatrolya ang tropa ng kapulisan sa naturang lugar nang maka-engkwentro ang hindi pa mabatid na bilang ng NPA.

Tumagal ng halos isang oras na palitan ng putok ng baril sa magkabilang panig na ikinamatay ni Gayaman at ikinasugat naman nina Tumaliuan at Taliano.

Agad namang nadala sa pagamutan ang dalawang sugatang pulis.

Agad rin rumesponde sa lugar ang tropa ng 86th Infantry Battalion at PNP 3rd Maneuver Platoon na nakabase sa Cauayan City para sa manhunt operation laban sa mga tumakas at naka-engkwentrong rebelde.

Facebook Comments

From Advertisers