1 PATAY, 2 SUGATAN SA AMBUSH SA ABRA

CAUAYAN CITY- Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring pamamaril kamakailan na ikinasawi ng isang construction worker habang sugatan naman ang isang Kapitan at kasama nito sa Bangued, Abra.

Kinilala ang nasawi na si Demy Peralta habang sugatan si Reymart Bio at ang Barangay Kapitan na si Robert Bio.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, ang mga hindi pa nakikilalang suspek ay nagtatago sa damuhan nang biglang magpaulan ng bala ang mga ito sa sinasakyang van ng mga biktima.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang bala ng shotgun, M-16 rifle at caliber 45.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Bangued Police Station, may mga natukoy na silang person of interests kung kaya’t nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon para sa mabilisang paglutas sa kaso.

Facebook Comments