1 patay, 2 sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang mekaniko mapatos pagbabarilin sa tapat ng isang motorshop sa lunsod ng Maynila.

Bukod sa kanya, may nasugatan pa matapos tamaan ng ligaw na bala na agad namang isinugod sa pinakamalapit na hospital.

Samantala, bago ito, pinagbabaril din ang isang lalaki sa Palawan kanto ng Luzon St. Sampaloc, Manila.


Hindi agad nakuha ang pangalan ng biktima na agad isinugod sa hospital.

Sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril pawang riding in tandem ang salarin sa krimen.

Inaalam pa ang tunay na motibo sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments