1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Maynila

61

Manila Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos silang pagbabarilin sa Plaza Sta. Cruz Maynila kagabi.

Dead on the arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 35-anyos na tricycle driver na si Jefferson Li.

Nagtamo si Jefferson ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagpapagaling naman sa Mother and Child Hospital ang nasugatang sina Gerald Li, 20 taong gulang, at ang tinderong si Magdilino Futol, 40 taong gulang.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib si Futol samantalang tinamaan si Gerald sa kaliwang paa.

Sa imbestigasyon ng Binondo Police Station, lumalabas na dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa mga biktima pasado alas otso kagabi ngunit hindi pa matukoy kung sino talaga ang target nito.

Narekober sa crime scene ang sampung bala at limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang krimen.

Facebook Comments