1 Patay, 2 Sugatan sa Salpukan ng Traysikel at Sasakyan!

Cauayan City, Isabela- Patay ang drayber ng isang traysikel habang sugatan ang dalawa sa mga pasahero nito matapos salpukin ng kasalubong na sasakyan bandang alas 3:00 kaninang madaling araw sa kahabaan ng Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang nasawi at drayber ng Honda TMX na walang plaka na si Jonel Parado, nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy Quirino, Nagulian, Isabela.

Sugatan naman ang kanyang pasahero na nakilalang sina Marivic Parado, 50 anyos, misis ng biktima at Juan Parado, 58 anyos, STL employee at kapwa residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.


Batay s aimbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, binabagtas ng traysikel ang naturang lansangan patungong Lungsod ng Cauayan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang nag U-turn ang kasalubong na sasakyan na minamaneho ni Kenneth Kert Ariola, 20 anyos, binata, College Student, at residente ng District 2, Reina Mercedes, Isabela.

Dito na nasalpok ang traysikel na lulan ng mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival (DOA) sa pagamutan ang drayber ng traysikel.

Nagpapagaling naman sa pagamutan ang kanyang misis at isa pang pasahero matapos na masugatan sa insidente.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments