Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng nasawi sa Bagyong Odette.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Alba at batay sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP Command Center sa Camp Crame, may isa ng patay at tatlo ang sugatan sa Northern Mindanao, at isa naman ang nawawala sa Western Visayas
Hindi pa inilalabas ang detalye sa mga nasawi, nasugatan at nawawala.
Batay pa sa report ng PNP, may 16 na indibidwal ang na-rescue sa Eastern Visayas habang 23 naman ang nasagip sa Northern Mindanao sa paghagupit ng Bagyo.
Una, nag-deploy ang PNP ng 3,649 police disaster response personnel sa mga rehiyong apektado ng bagyo na mayroong 7,335 standby support force para sa rapid deployment kung kakailanganin.
Trabaho nilang umalalay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), local Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC), at Local Government Units (LGUs) sa iba’t ibang operasyon at pagtugon sa mga nangangailangan.