1-Patay 3 sugatan matapos nag salpukan ang dalawang motorsiklo

160

GENERAL SANTOS CITY – isa ang binawian ng buhay habang tatlo ang sugatan matapos sa nangyaring pagsalpukan ng dalawang motorsiklo sa Fil-am Road, Barangay Fatima, Gensan alas 6:30 sa gabi.
Binawian ng buhay si John Romer Madarable, 17, residenti ng Makar, Barangay Labangal. Habang sugatan naman si Mark Anthony Bokbok, 15, residenti ng 39.2, FVR Village; Ritchelyn Bolitche, 40; residenti ng Barangay Fatima; at Arsinet Amoto, 38, residenti ng barangay Calumpang.
Base sa report ng Traffic Management Unit, sakay ang dalawang minor de edad na si Madarable ar Bokbok sa isang motorsiklo papunta sana ng Makar, Labangan, pag dating ng Fil-am Road, silay binangga ng motorsiklo ni Bolitche kung saan ay angkas nito si Amoto.
Dahil sa malakas na impact, nagkaroon ng seryosong sugat ang biktimang namatay habang sugatan din ang iba pang sakay ng dalawang Motorsiklo.
Agad naman silang dinala ng ospital at patuloy pa na ginagamot sa Dr. Jorge Royeca Hospital habang patuloy din ang ginagawang imbistigasyon ng nasabing insidenti.

Facebook Comments