1 patay 3 sugatan sa pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato

Isa ang patay habang tatlo ang sugatan sa nangyaring pamamaril pasado alas sais kagabi sa sitio Mahad FortPikit sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Yasser Mantuan Palaman , 14 anyos habang sugatan naman si Farida Abdullah Palaman, 32 anyos, isang ofw, kabilang sa mga sugatan ang isang 4 anyos na batang babae at isang 6 anyos na batang lalaki.
Ayon sa salaysay ni Sammy Palaman nasa loob ng bahay ang kanyang mga kamag anak ng dumating ang riding in tandem na mga suspect at walang sabi sabing niratrat ang nasabing bahay gamit ang M16 armalite rifle.
Isa sa mga suspect ang bumaba at pumasok pa sa bahay at nagpaputok pa ng baril at dito na nasawi si Yasser. Nasa pagamutan naman ang tatlong mga sugatan.
Ss ngayon ay blanko pa ang Pikit Pnp sa motibo ng pamamaril habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.(Amer Sinsuat).

Facebook Comments