1 patay, 3 sugatan sa pananaksak sa Marikina

81

Marikina City – Kalaboso ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ang asawa at tatlo nitong kaanak sa Santa Teresita Village, Barangay Malanday, Marikina City.

Magkakaroon lang sana ng salu-salo ang isang pamilya nang biglang nag-amok ang suspek kasama ang kanyang misis.

Napatay ng suspek ang isa niyang tiyuhin dahil sa dami ng tinamong saksak gamit ang kitchen knife at butcher knife na ginamit sa pananaksak.

Dumating ang mga pulis at nakipagnegosasyon pero kinandado ng suspek ang pinto ng bahay.

Nasa stable nang kondisyon ang iba pang mga sugatan at nagpapagaling na sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Sa ambush interview, iginiit ng suspek na hindi niya pinagsisisihan ang nagawang krimen dahil may balak daw ang mga kaanak niya na patayin siya.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, sinailalim na ang suspek sa psychiatric evaluation.

Hindi muna nagkomento ang pamilya kung sasampahan ng kaso ang suspek.

Sasailalim naman sa debriefing ang mga kaanak lalo na ang mga batang nakita ang buong pangyayari.

Facebook Comments