1 patay, 4 sugatan nang araruhin ng SUV habang nag-aabang ng masasakyan sa EDSA

514

Patay ang isa katao samantalang apat ang sugatan nang araruhin sila ng SUV habang nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng malaking mall sa panulukan ng EDSA at North Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Police Staff Srgt Andy Sotto ng Quezon City Police District Traffic Investigation, sinabi ng tsuper na nawalan daw ng preno ang sasakyan hanggang sa tumama sa mga naghihintay ng sasakyan sa lugar


Dagdag pa nito, ginigitgit umano siya ng kasabayang bus kaya nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan.

Naisugod sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on the spot ang isa sa kanila.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6 ang 22-anyos na tsuper na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at homicide.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Facebook Comments