1 Patay, 6 Sugatan sa Salpukan ng Dalawang Sasakyan sa Alicia, Isabela

41

Cauayan City,Isabela- Isa ang naitalang namatay sa banggaan ng dalawang sasakyan dakong alas-9:00 kagabi, Oktubre 17, 2021 sa national highway na sakop ng San Fernando, Alicia, Isabela.

Batay sa ulat ng Alicia Police Station, kinilala ang nasawi na si Alfredo Gumpal, 21-anyos, at residente ng Barangay Linglingay, Alicia, Isabela.

Habang anim na katao naman ang sakay ng Toyota Innova na naitalang sugatan sa aksidente na kinilalang sina Raffy Tabalanza, tsuper, 30-anyos, residente ng Pasay City, NCR; Leandro Laddaran, 42-anyos, residente ng Quezon, City, Ricamae Obina, 24-anyos, Rizza Obina, 27-anyos; Daniel Azucena, 21-anyos at Gilbert Obina na kapwa mga residente ng Gattaran,Cagayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, patungo sa hilagang direksyon ang Honda City na minamaneho ni Gumpal habang sa kasalungat naman na direksyon ang Innova na minamaneho ni Tabalanza.

Bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela si Gumpal kaya’t naagaw nito ang kabilang linya ng daan at nasalpok ng paparating na Toyota Innova.

Dahil sa insidente, nagtamo ng tama malalang sugat sa katawan si Gumpal at nagawa pang isugod sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival sa pagamutan habang nagpapagaling na ang aiba pang biktima ng aksidente.



Paalala naman ng pulisya sa publiko na tiyakin na nasa kondisyon ang mga sasakyan upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente.

Facebook Comments