1 patay sa banggaan ng dalawang sasakyang pandagat sa Batangas

Kinumpirma ng Philippine Ports Authority (PPA) na isa ang patay sa banggaan ng dalawang sasakyan pandagat sa karagatang sakop ng Batangas.

Ayon sa PPA, ang nasawi ay isa sa mga crew ng water taxi na Hap & Go, sa banggaan ng fast craft na Ocean Jet malapit sa Isla Verde.

Sa inisyal na ulat ng Port Management Office ng Batangas, base sa ulat ng Vessel Traffic Management System (VTMS), umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6, dakong alas-11:26 ng umaga at inaasahang darating sana sa Calapan Port ng alas-12:35 ng tanghali.


Pero hindi na nga ito nakarating sa Calapan dahil nakabanggaan nito ang Hap & Go, na patungo naman ng Batangas Port, dakong alas-12:20 ng tanghali.

Lulan ng Hap & Go ang limang pasahero at apat na crew, habang ang Ocean Jet naman ay may 105 na pasahero at 19 na crew.

Agad namang dinala ang mag narescue sa Port of Puerto Galera, kung saan apat din ang sugatan habang may ilang pasahero pa ang kasalukuyang nawawala.

Facebook Comments