1 patay sa sunog sa Sta. Cruz, Maynila

Isa ang patay habang dalawa ang nasugatan sa nangyaring sunog sa Antipolo Street kanto ng Leonor Rivera Street sa Sta Cruz, Maynila.

Ang nasunog ay isang lumang two-storey apartment building kung saan nadamay pa ang ilang bahay.

Nagsimula ang sunog alas-7:07 ng umaga at itinaas sa second alarm makalipas ang apat na minuto.


Nakikilala ang namatay na si Rogelio Esteron, 55-anyos, isang Filipino-Chinese.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Esteron, 55-anyos at isang Filipino-Chinese.

Kwento ng ilang kapitbahay nito, nasalubong pa nila na paakyat ng kanyang apartment ang biktima at sinabihan nila itong may sunog pero nagtuloy -tuloy pa rin sa kaniyang inuupahang kuwarto.

Ayon pa sa mga katabing kuwarto ng biktima bagong lipat lamang ito sa naturang apartment.

Nasugatan din sa sunog ang dalawang residente na nakilalang sina Rosalina Perez at Leonardo Pavilar.

Sa kwarto ng isang Eric Familiar sinasabing nagsimula ang apoy habang hawak naman ng mga pulis at opisyal ng barangay ang isang Leonardo Reboses na ayon sa mga residente ay siyang nagsimula ng sunog sa lugar.

Ayon pa sa BFP, 30 bahay kasama na ang isang lumang aparment ang nasunog.

Iniimbestigahan na BFP Manila Arson Investigators si Reboses na umano’y may problema sa pag-iisip.

Aabot sa 80 pamilya ang naapektuhan ng sunog habang inaalam pa ang halaga ng ari-arian napinsala nito.

Alas-11:04 naman ng umaga ng idineklarang fire under control ang sunog.

Facebook Comments