1 PULIS, 1 HOLDAPER, PATAY SA ENGWENTRO SA RAMON, ISABELA!

650

*Ramon, Isabela *- Dead on the spot ang isang holdaper habang binawian sa hospital ang isang pulis matapos ang engkwentro sa Ramon, Isabela kaninang alas kwatro ng hapon.

Sa inisyal na nakuhang report ng iFM Cauayan City mula sa PNP Ramon, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) tungkol sa isang insidente ng robbery hold up sa lungsod ng Tuguegarao. Dahil dito, inalerto ng PNP Ramon ang kanilang mga tauhan para sa ikakahuli ng mga holdaper na lulan ng Toyota Innova na may sticker YOU 778. Habang nagsasagawa ng checkpoint sa Brgy. Turod Bugallon sa nabanggit na bayan, nakita ng mga tauhan ng Pulisya ang papatakas na sasakyan ng mga suspek.


Sinubukang pigilan ng mga pulis ang sasakyan ngunit hindi huminto bagkus ay pinaputukan ang tropa ng PNP at dito nagsimula ang engkwentro. Habang nagpapalitan ng putok, sinikap ng mga holdupper na tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. San Miguel, Ramon ngunit hindi sila nilubayan ng mga pulis na nagresulta ng pagka huli ng dalawa habang tinutugis ang isa pa.

Nakilala ang napatay na suspeck sa pangalang Cris samantalang ang dalawang nahuli ay nakilalang sina Jayson Saringan, 29 taong gulang at Edgar de Castro, 32 taong gulang at may asawa. Samantalang ang kasalukuyang tinutugis ay hindi pa nakikilala.

Nadala pa sa hospital si PSSg. Richard Gumarang ngunit binawian din ito ng buhay habang ginagamot sa hospital.

BREAKING NEWS.tif drive.google.com/file/d/1bh74OgYtz0YGhFaSvhwpcCT8UwkWE2wZ/view?usp=drive_web>

Nare cover sa grupo ng holdaper ang kulay pulang Toyota Innova na may contractionsticker na YUO 778, isang M16 armalite A riffle na may serial number 793985 at ilan pang mahahalang ebidensya. Buong kapulisan ngayon dito sa Isabela ay nakaalerto at patuloy na tinutugis ang nakatakas na isa pang suspek.

tag: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, PNP Ramon, IPPO, engkwentro

Facebook Comments

From Advertisers