Hinangaan ng netizens ang isang pulis mula sa lungsod ng Pagadian matapos magdiwang ng kanyang birthday sa quarantine checkpoint.
Siya si PCPL. Romulo Biboso II na nakadistino sa Pagadian City Police Station.
Ayon kay Biboso, unang beses niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan na malayo sa kanyang pamilya.
Bilang pulis at pagiging frontliner, kailangan raw niyang gampanan ang kanyang tungkulin at protektahan ang mamamayan kontra COVID -19.
Kaya’t imbes sa bahay, pinili ni Biboso na sa quarantine checkpoint na lamang ipinagdiwang ang kaniyang kaarawan.
Napag-alaman na ang kanyang butihing maybahay raw ang siyang humanap ng paraan upang mapadala ang birthday cake at iba pang handa sa quarantine checkpoint.
Facebook Comments