1 pulis, patay; 3 iba pa sugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang NPA sa Albay

Tinutugis na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa isa mga myembro ng New People’s Army (NPA) na nasa likod sa pagpatay sa isa nilang kabaro.

Sa report ng Police Regional Office 5, nasawi kahapon si Patrolman Emerson Belmonte matapos tambangan ng mga NPA habang nagsasagawa ng internal security operations sa Brgy. San Isidro, Jovellar, Albay Province.

Bukod sa kanya, sugatan ang tatlong iba pang pulis na sina: PCpl Marlon Beltran, Pat Roy Resurrection and Pat John Mark Paz na pawang naka assign sa 1st Albay Provincial Mobile Force Company.


Nagtagal ng labinlimang minuto ang bakbakan bago tuluyang tumakas ang mga kalaban.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay si PNP Chief, Police General Archie Gamboa sa pamilya ng nasawi at sinigurong maibibigay ang tulong pinansyal.

Manggagaling sa President’s Social Fund ang P250,000 at aabot sa P180,000 ay magmumula sa Special Financial Assistance mula sa PNP; burial benefits na P50,000 at P200,000 na gratuity mula sa National Police Commission.

Habang magbibigay naman ang PNP ng medical assistance sa tatlong pulis na sugatan.

Facebook Comments