Nagpadala ng Php 100,000.00 ang isang residente ng Greenland Cainta Rizal at nakiusap kay Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na kung maaari ay huwag na raw i-auction ang mga sapatos ng alkalde dahil isa umano itong masamang pangitain.
Pero nagpaabot ng pasalamat si Mayor Nieto sa nagbigay ng ganoong kalaking halaga ng pera pero nakapagbitiw na raw kasi siya ng salita na sa hanggang sa huling araw ng quarantine, ay 3 pares ng sapatos isang araw ang kanyang i-auction.
Nainiwala ang alkalde na marahil naman aniya ang intensyon na lang na gamitin ito mabuti sa kanyang mga nasasakupan sa inaakala niyang mabuti ang magiging dahilan kung bakit walang pwedeng masama na magbunga sa sinserong kanyang hangarin.
Paliwanag ni Nieto na ang Php 100,000.00 na donasyon sa kanya ay ibibili ko ng alkalde ng mga gatas ng bata dahil paubos na ang supply sa kanyang opisina pero ang humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan ay hindi maubos-ubos.
Nagpapasalamat ang alkalde sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at patuloy na nagbibigay ng donasyon in cash at in kind sa kanyang tanggapan.