1 sa 3 pasahero kada araw sa international airports sa bansa, nakikitaan ng red flag o indikasyon na maaaring biktima ng human trafficking — BI

Kinumpirma ng Immigration Protection and Border Enforcement Section o I-PROBES ng Bureau of Immigration na isa hanggang tatlong pasahero kada araw sa international airports sa bansa ang nakikitaan ng red flag o indikasyon na maaaring biktima ng human trafficking.

Ayon sa BI, mas mahigpit ang kanilang pagbabantay ngayon dahil tumataas ang bilang ng mga nabibiktima ng sindikatong may koneksyon sa scam hubs sa mga karatig na bansa.

Partikular sa Cambodia, Myanmar, Laos, at Malaysia.

Isa rin anila sa mga nakikitang kahinaan sa mga biktima kaya sila madaling napapaniwala ay ang kakulangan sa edukasyon, matinding pangangailangang pinansyal, pagkakabaon sa utang, kawalan ng trabaho, at iba pang personal na suliranin.

Kinumpirma ng BI na mula 2024 hanggang ngayong taon, nakapagtala na sila ng mahigit 1,500 mga pasahero na may red flag o posibleng biktima ng human trafficking.

Habang mahigit 700 naman ang napauwi ng biktima ng scam hub.

Facebook Comments