1 sa 4 na tumakas na bilanggo sa detention facility ng Galas Police Station, naibalik na

50

Naibalik na sa kulungan ang isa sa apat na bilanggong pumuga sa detention facility ng Galas Police Station noong January 7.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Danilo Macerin ang naarestong escapee na si Ronald Buenafe na residente ng Barangay Tatalon na naaresto sa San Jose del Monte City, Bulacan, sa tulong ng kaniyang mga kamag-anak.


Nagpapatuloy naman ang manhunt operation sa tatlong iba pa na sina Glenn Louie Limin, Marvin Incio at Joel Sanchez.

Facebook Comments