1 sa mga Mayors na lumabag sa panuntunan ng IATF, tuluyan ng kakasuhan ng DILG

Tuluyan nang kakasuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isa sa mga Alakalde na pinadalhan ng show-cause order dahil sa paglabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Bagama’t hindi pinangalanan, sinabi ni DILG Usecretary Epimaco Densing na hindi nakuntento ang kagawaran sa naging paliwanag ng Alkalde.

Maliban dito, sinabi ni Densing, na nakapagpaliwanag na ang ilan sa mga Gobernador at Mayors na kanilang nabigyan ng show cause order at binago na nila ang kanilang executive orders na naaayon sa iatf kayat hindi na sila kakasuhan.


Kabilang aniya sa kanilang pinagpaliwanag si Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri, Abra Governor Jocelyn Bernos, Antique Governor Rhodora Cadiao, Noveleta, Cavita Mayor Dino Reyes Chua, Talisay, Batangay Mayor Gerry Natanahan, Olongapo City Mayor Rolen Paulino at Dao, Cavite Mayor Ernesto Escutin.

Facebook Comments