
Nahuli na ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa magkakamag-anak sa San Leonardo, Nueva Ecija kahapon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PRO Regional Director PBGen. Jean Fajardo, naaresto ang suspek sa Sitio Riles, Brgy. Mallorca San Leonardo, Nueva Ecija sa hot pursuit operations pasado alas-10 kagabi.
Ani Fajardo, narekober mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, mga bala at hand grenade.
Sa ngayo, tinutugis pa ng mga awtoridad ang iba pa niyang mga kasamahan.
Nabatid na nasa loob lamang ng kanilang tindahan ang pamilya nang dumating ang mga suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo saka sila pinagbabaril.
Blangko pa sa ngayon ang mga awtoridad sa motibo sa pagpatay sa mag-anak.
Facebook Comments