1 sa tatlong Mangingisda, Natagpuan na ang Bangkay

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang isa sa tatlong napaulat na nawawala lulan ng isang bangka upang mangisda sa karagatan noong Disyembre 21 sa bahagi ng Cagayan River sa Brgy. Punta, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang natagpuan na si Rowel Taguba, nasa tamang edad, isang mangingisda.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pasado alas-10:00 ng umaga nitong Disyembre 24 ng matagpuan ng isang barangay tanod ang bangkay ni Taguba habang nangunguha ito ng kahoy na panggatong malapit sa karagatan.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap sa magkapatid na Raymond Taguba, 31-anyos at Rommel Taguba, 21-anyos na kapwa residente ng Brgy. Bisagu, Aparri, Cagayan.

Facebook Comments