1 Senador, may apela sa mga nakalalaya pang sentensyado sa Maguindanao massacre case

Umapela si Senator Christopher Bong Go sa 80 pang at-large o nakakalaya na hinatulang guilty kaugnay sa Maguindanao massacre case.

Giit ni Go, sana ay makonsensiya ang mga ito at panagutan ang kanilang nagawang  krimen.

Ayon kay Go, kung ipagpapatuloy ang pagtatago nila sa batas ay maari pa silang madisgrasya.


Ginawa ni Go ang panawagan kasunod ng pagbaba ng hatol ng korte noong December 19 sa mga akusado sa Maguindanao massacre case kung saan 58 ang namatay kung saan mahigit 30 ay mga mamamahayag.

Facebook Comments