1 Senador, may babala kaugnay sa planong pag-basura sa VFA

Ibinabala ni Senator Richard Gordon ang posibleng pagkadismaya ng ibang bansa kapag tuluyang ibinasura ang visiting forces agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Pahayag ito ni Gordon kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabasura ang VFA kapag hindi inayos ng US government sa loob isang buwan ang kinanselang visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Paliwanag ni Gordon, posibleng magdalawang-isip na ang ibang bansa sa pakikipagkasundo sa Pilipinas kapag basta-basta tayo nagbabasura ng isang kasunduan dahil nagalit ang Pangulo.


Paalala ni Gordon, ang mga kasunduan o tratado ay nagsisilbing Word of Honor ng isang bansa at hindi makatwiran na ibasura o wakasan ito dahil lang may ikinagalit o ikinapikon ang Pangulo.

Giit pa ni Gordon, dapat ay maipaliwanag din ng pangulo sa senado ang plano laban sa VFA na konektado sa iba pang kasunduan sa amerika tulad ng Mutual Defense Treaty at Enhanced Defense Cooperation Ageement.

Facebook Comments