1 Senador, nangangambang maging daan sa pagkalat ng virus ang planong pagbubukas ng public transportation

Ikinokonsidera ni Senator Nancy Binay na infection hotspot at perpektong lugar ang mga public transportation tulad ng bus at train para maikalat ang droplet-spread diseases tulad ng COVID-19.

Pahayag ito ni Binay sa harap ng plano ng Department of Transportation (DOTr) na payagan ng makapag operate ang mga bus at train pero 30 percent capacity lang para maipatupad pa din ang social distancing.

Diin ni Senator Binay,  isang malaking hamon  ang implementasyon ng physical distancing sa loob ng bus o tren kung saan hindi maiiwasan na may bumahin, umubo at magkahawaan ng virus dahil ang setting sa mga public transport ay posibleng taguan ng bacteria at virus.


Giit ni Binay sa DOTr, tapusin na lang ang sinasabi nitong pagsailalim sa rehabilitation ng MRT at iba pang dapat ayusin para matiyak ang walang aberyang takbo ng mga tren pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Binay, mahirap hanapan ng balanse ang buhay at hanap-buhay kaya kailangan pa rin ng mga tao na mag-commnute sa gitna ng banta ng COVID.

Mungkahi ni Binay sa DOTr, i-adjust ang working hours para sa mahalagang mga negosyo at industriya, baguhin ang oras ng pagbiyahe at maglagay ng malalaki at ligtas na bike lanes.

Facebook Comments