Sa kabila ng mga batikos hinggil sa pag-papatayo ng New Clark City Sports Complex para sa Southeast Asian (SEA) Games, ay sinabi ni Senador Win Gatchalian na mapakikinabangan pa rin ang naturang pasilidad kahit tapos na ang kumpetisyon.
Ayon kay Gatchalian, magagamit din ng mga atletang sasali sa 2020 Tokyo Olympics ang naturang pasilidad.
Giit ni Gatchalian, magagamit din ito para sa binabalak na itayong Philippine High School for Sports (PHSS) na naglalayong humubog sa mga susunod na henerasyon ng mga batang atleta.
Nakapaloob ito sa inihain ni gatchalian na Senate Bill 1086 na nag-aatas sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na magpatayo ng mga silid-aralan, dormitoryo at iba pang mga sports facilities.
Diin ni Gatchalian, ang pag-papatayo ng Sports Complex sa New Clark City ay isang hakbang para maipakita ang suporta ng Gobyerno sa mga atleta at maihanda na rin ang mga batang nangangarap na maging mga propesyunal na manlalaro balang araw.