1 subdivision sa Muntinlupa, ipinatupad ang total lockdown

Ipinagutos ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang total lockdown ng isa sa mga subdivision ng lungsod matapos mag positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang dalawang residente nito.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ioinagbawal na rin ang mga public transportation na pumasok at lumabas sa nasabing subduvision sa may Barangay Cupang.

Ipinagbawal na rin anya na magkaroon ng contact ang mga nakatira sa nasabing subdivision sa mga tao sa labas ng subdivision.


Kaya naman ipinatupad ng alkalde ang no-contact policy, kasama na dito ang mga delivery worker na maghahatid ng pagkain, grocery items at iba pang online orders.

Aniya nakikipag ugnayan na rin ang Muntinlupa City Health Office sa mga pulis ng lungsod para mahigpit na ipatupad ang kanilang mga precautionary measure sa nasabing subdivision upang hindi na kumalat pa ang virus sa kanilang lungsod.

Batay sa tala ng Muntinlupa kahapon ng alas tres ng hapon, ang lungsod ay mayroon nang tatlong covid positive, 153 Persons Under Monitoring (PUMs) at 70 naman ang Patients Under Investigation (PUIs).

Facebook Comments