1 sundalo, patay matapos makaengkwentro ang NPA sa Camarines Sur

PHOTO: 9th Infantry "Spear" Division, Philippine Army/Facebook

Matapos rumesponde sa report ng mga sibilyan hinggil sa grupo ng armadong NPA na naghahasik ng gulo at pangingikil sa Barangay Lubgan, Bula, Camarines Sur.

Nakasagupa ng grupo ni 2Lt. Ramir De Leon ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion ang mga NPA.

Sa kasamaang palad, tinamaan at nagtamo ng gunshot wound si De Leon at kalauna’y binawian ng buhay.


Kaugnay nito, tahasang kinokondena ng Joint Task Force Bicolandia ang pag atake ng NPA na nagresulta sa pagkakaroon ng takot at pangamba ng mga residente sa lugar at ikinasawi ng isang sundalo.

Kasunod nito, magpapatuloy ang misyon ng Joint Task Force Bicolandia na makamit ang mapayapa at malaya mula sa insurhensya na Bicol Region.

Facebook Comments