1 sundalo, patay sa sagupaan sa Patikul, Sulu

Sulu – Nasawi ang isang sundalo habang tatlong sundalo rin ang sugatan sa panibagong sagupaan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu kaninang umaga.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana alas 11:30 ng umaga kaninang nang makasagupa ng tropa ng 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army ang nasa 30 miyembro ng ASG.

Nagtagal aniya ng 20 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo at pagkasugat ng tatlo pa.


Hindi naman matukoy ng militar kung ilan ang nasawi o nasugatan sa panig ng mga kalaban.

Ginagamot ngayon sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Bus-bus, Jolo, Sulu ang mga sugatang sundalo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar upang matukoy ang kinaroroonan ng mga nakasagupang Abu Sayyaf Group.

Facebook Comments