Isang tao ang namamatay kada apat na segundo o katumbas ito ng 19,700 indibidwal araw-araw dahil sa gutom.
Ito ang ibinabala ng nasa mahigit 230 na mga grupo mula sa 75 na bansa kabilang na ang Oxfam International, Save the Children at Plan International sa pamamagitan ng isang open letter na ibinigay nila sa mga world leaders sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City.
Nakasaad din sa liham na nasa 345 milyon mga indibidwal ang nakakaranas ng kagutuman, kung saan ang naturang bilang ay dumoble simula noong 2019.
Kasunod nito, nanawagan ang mga grupo na tutukan ng mga lider ng iba’t ibang bansa ang isyu ng kagutuman.
Dapat din gumawa agad ng aksyon at food support sa mga pamilyang nangangailangan nito.
Facebook Comments