1 Taong Gulang na Bata, Patay Matapos Malunod!

*Cabatuan, Isabel*a- Patay na nang matagpuan ang kanyang isang taon at 10 buwang gulang na anak habang nakalutang sa irrigation canal pasado 12:00 ng tanghali sa Brgy. Namnama, Cabatuan, Isabela kahapon, June 22, 2019

Kinilala ang nasawing biktima na si Angel Faith Sinampaga na residente ng nasabing lugar

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan, panandaliang iniwan ni Lara May Sinampaga ang kanyang anak na naglalaro sa loob ng kanilang bahay para pakainin ang alagang mga baboy at ilang sandali pa nakita na lamang niya ang kanyang anak na palutang lutang sa irigasyon na wala nang buhay.


Sinubukan pa umano ng ina ng biktima na isalba ang buhay ng kanyang anak pero bigo ito na mabuhay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.

Facebook Comments