1-taong gulang na Bata, Positibo sa COVID-19

21

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang anim (6) na katao kabilang ang isang (1) taong gulang na bata mula sa Barangay Ponggo, Nagtipunan, Quirino.

Base sa tala ng Rural Health Unit, pawang magkakamag-anak ang mga tinamaan ng virus na kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng Quirino Province Covid Ligtas Center.


Samantala, isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang naturang barangay matapos maglabas ng kautusan si Mayor Nieverose Meneses para maiwasan at masigurong ligtas ang iba pa sa banta ng COVID-19.

Puspusan naman ang ginagawang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.

Sa kabuuan, nasa 16 na ang aktibong kaso ng COVID sa lalawigan ng Quirino.

Facebook Comments