Muling kinalampag ng grupo ng mga guro ang Department of Education (DepEd) hinggil sa apela nilang one-week academic health break.
Sabi ni Teachers Dignity Coalition President Benjo Basas, bago pa man nagsimula ang School Year 2021-2022 ay nagsumite na sila ng request ukol dito pero wala silang nakuhang tugon mula sa kagawaran.
Giit ni Basas, mahalagang mabigyan din ng pahinga hindi lamang ang mga guro kundi maging ang mga magulang na katuwang nila sa pagtuturo sa mga bata sa ilalim ng blended learning.
Aniya, DepEd na mismo ang nagsabing pinoproteksyunan nila mental health ng mga guro pero sa halip na makapagbakasyon habang naka-break ang mga bata ay pinagse-seminar pa sila.
Facebook Comments