10.3-M pamilya, naayudahan na sa ilalim ng SAP 2

244

Umabot na sa 10.3 million families ang naayudahan ng gobyerno sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang kahapon, August 8, kabuuang 10,309,854 na pamilyang benepisyaryo ng SAP ang nakatanggap na ng cash aid.


Kaugnay nito, aabot na sa P66.9 billion ang nailabas na pondo ng DSWD para sa SAP 2.

Facebook Comments