10 4P’s BENEFICIARIES, NABIGYAN NG TRABAHO

CAUAYAN CITY – Pormal nang pumirma ng kontrata bilang regular contract employees sa Lokal na Pamahalaan ng Cabagan ang sampung benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Matatandaan na noong ika-4 ng Hunyo ay sumabak ang mga aplikante sa interview at sa araw ding iyon at natanggap ang mga ito.

Ang nasabing employment ng mga 4P’s beneficiaries ay bilang suporta ng LGU Cabagan sa pangunguna ni Mayor Christopher Mamauag upang makatulong sa mga ito na maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.


Sa ngayon ay nasa 13 4P’s beneficiaries ang nagtatrabaho sa LGU Cabagan.

Facebook Comments