10 ahensya na posibleng bawasan ng confidential at intel fund, natukoy na ng Kamara

Sampung ahensya na ang posibleng bawasan ng confidential at intelligence funds sa 2024.

Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, patuloy pa nilang pinag-aaralan ang pondo ng bawat government agency.

Tumanggi naman ang mambabatas na sabihin kung ano-ano ang sampung ahensya na kanila nang natukoy.


Una rito, nagkasundo ang lahat ng partido pulitikal sa Kamara na ilipat ang confidential at intelligence funds ng ilang civilian agency sa mga ahensyang may kinalaman sa seguridad, lalo na sa pagprotekta sa West Philippine Sea.

Ganito rin ang gagawin ng Senado, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Facebook Comments