Sinampahan ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ng kasong administratibo ang nasa 10 Local Chief Executives na bigo sa Road Clearing Initatives.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, Gross Neglect of Duty at Grave Misconduct ang inihain sa Office of the Ombudsman laban sa mga Alkalde ng sumusunod:
- Baco, Oriental Mindoro
- Pili, Camarines Sur
- Ginatilan, Cebu
- Pagsangan, Samar
- Aurora, Zamboanga Del Sur
- Lapuyan, Zamboanga Del Sur
- Sagay, Camiguin
- Guinsiliban, Camiguin
- Manticao, Misamis Oriental
- Caraga, Davao Oriental
Sinabi ni Año, bigo ang mga Alkalde na magbigay ng maayos na sagot sa show cause orders na kanilang ipinadala.
Hinimok ng DILG ang ombudsman na aksuhan agad ang reklamo at suspendihin ang mga lokal na opisyal.
Sa ngayon, inihahanda na ng DILG ang bagong round ng Street Clearing Operations na magtatagal sa loob ng 75-araw.
Facebook Comments