10-anyos lalaki, ulo at binti nalang ang natira nang lapain ng buwaya sa Palawan

File photo

Ulo at binti na lamang ang nakita sa sampung taong gulang na lalaki na nilapa ng buwaya sa Balabac, Palawan.

Ayon sa awtoridad, bandang ala sais ng umaga nang hindi mahanap ng magulang ang biktima na pinabili ng kape at asukal.

Pabalik na ang bata sa kanilang bahay nang mangyari ang aksidente.


Nakita na lamang ang ulo at binti ng biktima at patuloy pa rin ang retrieval operation ng coast guard at pulisya.

Sinabi rin ng mga residente na madalas mangyari ang ganitong “human-crocodile conflict” sa lugar.

Nitong Pebrero, isang 12-anyos naman na lalaki ang nakaligtas sa atake ng buwaya sa Balabac.

Facebook Comments