10-anyos na lalaki, patay matapos malunod sa isang lawa sa UK

Patay ang 10-anyos na batang lalaki matapos malunod habang naliligo sa isang lawa sa gitna ng pinakamainit na panahon sa Soctland, United Kingdom.

Ayon sa report ng Scotland Police, Miyerkules ng hapon nang makatanggap umano sila ng tawag mula sa Loch Lubnaig tungkol sa batang nahihirapan umano sa tubig.

Umabot sa mahigit apat na oras ang nangyaring search operations kasama ang helicopter na humanap sa katawan ng biktima.


Ngunit sa kasamaang palad, kinalaunan ay natagpuang patay na ang bata.

Base sa mga pulis, wala namang kahina-hinalang pangyayari sa lugar bago maganap ang trahedya.

Samantala, naiulat naman na umabot sa 32C ang temperatura sa UK, naitalang pinakamainit na panahon sa naturang bansa.

Facebook Comments