10-anyos na nakikipaglaban sa cancer, nalampasan ang COVID-19

277

Isang 10-taon-gulang na lalaki mula Arkansas, US, ang nagawang lampasan ang COVID-19 sa kabila ng sabay na pakikipaglaban sa cancer.

Napositibo sa coronavirus si Riley Duckworth, na nasuring may leukemia ilang buwan lang ang nakararaan, noong Abril 14, ayon sa ulat ng KNWA.


Pansamantalang itinigil ang chemotherapy ni Riley upang makapag-quarantine sa Arkansas Children’s Northwest Hospital kasama ang ama na si Jeremy.

Ilang linggo lamang ang nakalipas nang tuluyan nang magnegatibo sa coronavirus ang bata, at pauwiin sa kanilang bahay.

Nakabalik na rin sa ospital si Riley para sa pagpapatuloy ng chemotherapy noong Abril 28, kasama naman ang kanyang nanay.

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nananatiling positibo ang bata, at aniya, “The secret is to watch TV.”



Sa oras na makalabas sa ospital, plano ni Riley na mag-camping at pumunta sa Disneyland sa tulong ng Make-A-Wish Foundation.

Facebook Comments