10-anyos patay, 4 sugatan nang madaganan ng sako-sakong abono

Photo courtesy of Dante Torcuator/Facebook

Binawian ng buhay ang isang batang babae, at apat ang sugatan matapos madaganan ng sako-sakong abono mula sa tumaob na truck sa Banga, Aklan, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Lemy Villar, 10, residente ng Barangay Mambog, habang hawak na ng pulisya ang driver ng trailer truck na si Jonafel Merbal, 42 mula Janiuay, Iloilo City.

Ayon sa Banga Police, papuntang Ibajay ang truck na minamaneho ni Merbal na may kargang 400 sako ng abono.


Nawalan umano ng kontrol ang truck pagdating sa pakurbadang kalsada sa Sitio Malipayon, hanggang sa tumaob ito at tumapon ang mga sako sa mga biktima.

Naisugod pa sa ospital ang batang si Villar, ngunit idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments